^

Metro

P10-M halaga ng paninda, ari-arian tupok sa sunog sa Divisoria

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ang mga nakalatag na panindang  fireworks at firecrackers ang sanhi ng sunog sa isang commercial building kung saan nagdamay pa ng katabing dalawang gusali, sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report ni C/Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire Bureau, Arson Investigation Division, dakong alas-12:33 ng madaling- araw kahapon nagsimula ang apoy sa Atlantic Glassware na isa sa umuokupa sa ground floor ng 3-storey building na  pag-aari ng isang Lucio Co at matatagpuan sa panulukan ng M. de Santos at Tabora Sts., sa Binondo, Maynila, katapat lamang ng Divisoria Mall.

Umabot hanggang Task Force Charlie ang alarma ng sunog at bandang alas-10:09 naman nang ideklarang fire under control.

Tinatayang  nasa P10-milyong halaga ang structural damage pa lamang, bukod pa sa mga panindang nasunog.

Ayon pa sa ulat, sa labas ng nasabing gusali o sa tapat maraming nakalatag na panindang mga paputok nagsimula ang sunog.

Nahirapan ding pumasok ang mga trak ng bumbero dahil sa dami ng mga nakahambalang na paninda papasok sa nasabing mga kalye.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at pag-apula­ sa apoy hanggang sa isinusulat ang bali­tang ito bagamat under control na.

ARSON INVESTIGATION DIVISION

ATLANTIC GLASSWARE

BINONDO

BONIFACIO CARTA

DIVISORIA MALL

LUCIO CO

MANILA FIRE BUREAU

MAYNILA

TABORA STS

TASK FORCE CHARLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with