^

Metro

Bala para sa kaibigan sinalo, kelot dedo

Ludy Bermudo at Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng Pasko ang isang 28-anyos na lalaki nang ma­damay at siyang su­malo sa bala na para sa kaibigan sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Apat na bala ang ti­namo sa katawan ni  Jeffrey Futo, residente ng Cattleya St., Old  Sta.Mesa, Maynila.

Sugatan ang kaibi­gan nitong si Kevin de la Cruz, 24, buy and sell businessman at residente ng Lakas St. Bacood, Sta. Mesa.

Nakatakas naman ang hindi pa kilalang gunman at isa pang kasamahan.

Naganap ang insi­dente dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa panulukan  ng Damka St. at Old Sta. Mesa.

Bago ang pamamaril, ang kaibigan ng biktima na si Dela Cruz ay nagbe­benta umano ng dalang motorsiklo  nang dumating ang suspect na sinasabing tumutok sa kanya ng baril.

Upang  makaiwas si Dela Cruz,  nagmamadaling pinaandar nito ang motorsiklo at tinangkang paharurutin subalit nawalan ng kontrol kaya gumulong kasama ang motorsiklo.

Nang makatayo, tumakbo na lamang at pumunta sa kaibigang si Futo at isang Eddie Lara na noon ay nakatayo sa  Ledy’s Internet Café sa lugar.

Tinanong umano ng biktima kay De la Cruz kung ano ang nangyari subalit habang nagpa­paliwanag ay isa sa kasama ng suspect ang sumuntok kay Futo.

Ang suspect na may hawak ng baril ay nagpaputok ng sunud-sunod sa ere dahilan para magpulasan ng takbo sa iba’t ibang direksiyon ang magkakaibigan.

Minalas na si Futo ang nakorner kaya siya ang pinagbabaril ng apat na beses na naging sanhi ng kanyang kamata­yan habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.

 

vuukle comment

CATTLEYA ST.

CRUZ

DAMKA ST.

DELA CRUZ

EDDIE LARA

FUTO

INTERNET CAF

JEFFREY FUTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with