^

Metro

Toll fee ng Skyway, SLEX at Star Tollway libre sa Pasko at Bagong Taon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbibigay ng aginaldo ang Skyway System, South Luzon Expressway (SLEX) at Star Tollway na ililibre ang mga motorista sa toll fee sa dara­ting na Pasko at Bagong Taon.

Inihayag ito kahapon ng Skyway O&M Corporation (SOMCO), Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES) at Star Tollway Corp. (STAR) bilang pagpapakita ng pagpapahalaga umano sa mga suki nilang motorista na gumagamit ng kanilang mga highways.

Libre ang toll fee mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Disyembre 25 at mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 1.

 Sa kabila nito, ang naturang mga ibinigay na oras ng libre toll ang panahon na halos wala na o kokonti nang motorista ang bumibiyahe kaya inaasahan na kakarampot lamang ang makikinabang sa pa-“aginaldong” ito.

Ang Skyway System ay may habang 13.5 kilometro mula Magallanes-Alabang at 16.2 km. mula Buendia-Alabang­. 

Ang SLEX naman ay may habang 36 km. mula Alabang hanggang Sto. Tomas, Ba­tangas habang ang Star Tollway ay may habang 42 km. mula Sto. Tomas hanggang Ba­tangas City.

vuukle comment

ANG SKYWAY SYSTEM

BAGONG TAON

DISYEMBRE

M CORPORATION

MANILA TOLL EXPRESSWAY SYSTEMS

SKYWAY O

SKYWAY SYSTEM

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

STAR TOLLWAY

STAR TOLLWAY CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with