‘Tulak’ sa droga, patay sa boga
MANILA, Philippines - Utas ang isang 38-anyos na umano’y ‘tulak’ ng droga nang pagtulungang barilin ng ilang kalalakihan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Victor Suratos, ng Ma. Guizon St., Tondo, sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib.
Apat umanong hindi pa tukoy na mga lalaki at armado ng kalibre .45 baril ang tumakas matapos ang pamamaril.
Dakong alas-10:20 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa may riles sa loob ng Philippine National Railways (PNR) compound sa Tondo habang nakatayo umano ang biktima nang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril, dahilan upang magtakbuhan pa umano ang ilang mga lalaking hinihinalang ‘iskorer’ o bumibili ng shabu.
Matapos ang pamamaril ay kaswal lamang na lumakad papalayo sa lugar ang mga suspect habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay.
May dati na umanong kaalitan ang biktima at nakabarilan pa, na isang alyas “Dikya” kaya patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.
- Latest