^

Metro

Kinidnap na paslit nasagip,2 kidnaper, nadakip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng mga ope­ratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 7-anyos na batang lalaki habang naaresto naman ang kaniyang abductors sa isinagawang operasyon sa isang mall sa Maynila kamakalawa ng gabi.

Dinakip ang  mga suspect na sina Ronnel Santiago, alyas “Brian Santos” ng Ma­labon City at Rona  Gador, residente  ng San Jose Del Monte at may address ding Malolos, Bulacan kaugnay sa pagdukot sa batang itinago sa pangalang “JR”.

Sa ulat ng NBI-National Capital Region Office, nitong  Disyembre 14 nang maghain ng reklamo  ang mga  magulang  ng biktima hinggil sa pagkawala ng anak at panghihingi umano ng ransom money ng suspect sa halagang P20,000.

Utos umano ng caller na ipadala sa pamamagitan ng money transfer ang pera kapalit ng pagpapalaya sa biktima.

Ikinasa ng NBI ang rescue operations sa pama­magitan ng pagmomonitor sa ilang sangay ng money transfer gamit ang tracking numbers  para sa pag-claim na umano’y ipapadala sa pangalan ng isang Brian Santos.

Nang araw na iyon, (Dis. 14), namataan ng NBI ang bata, batay sa deskripsiyon ng magulang, kasama ang isang  lalaki at babae na pumasok sa loob ng Cebuana Lhuilier branch sa  Odeon Mall sa  kanto ng C.M. Recto at Rizal Ave., sa  Sta Cruz, Maynila.

Ayon umano sa bata, isang “Kuya  Jason” na kaibigan ng kaniyang ama ang tumangay sa kaniya.

Matapos na nakuha ng mga suspect  ang ipinadalang pera ay siyang na­ging hudyat ng NBI upang arestuhin ang dalawa kung saan nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang postal ID na may pangalan na Brian Santos, isang electronic validated Pera Padala claim receipt at cellphone ni Santos­ kung saan mababasa ang ilang text messages sa  transaksiyon ng suspect  sa mga magulang ng biktima.

Ang mga suspect ay sinampahan ng kasong paglabag sa Article 267 (Kidnapping at Serious Illegal­ Detention of the Revised Penal Code).

 

BRIAN SANTOS

CEBUANA LHUILIER

DETENTION OF THE REVISED PENAL CODE

ISANG

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION OFFICE

ODEON MALL

PERA PADALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with