Mag-pinsan kinatay
MANILA, Philippines - Patay ang isang binata at nasa kritikal naman ang pinsan nito matapos na pagsasaksakin ng kanilang kainuman kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Josel Pulga, habang ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa katawan ang pinsan nito na si Ryan, kapwa ng Camias St., Malaria ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jun Tunero, at residente ng nabanggit na lugar.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng umaga, malapit sa bahay ng mga biktima sa nabanggit na lugar habang kasamang nag-iinuman ng mga biktima ang mga suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito sa hindi pa mabatid na dahilan.
Dito ay kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang magpinsang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan ni Pulga.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek at si Ryan naman ay dinala sa nabanggit na ospital.
- Latest