^

Metro

Retiradong pulis niratrat sa harap ng bahay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaulanan ng  bala ng baril hanggang sa mapatay ng anim na armadong lalaki na nakasuot  ng bonnet  at helmet ang isang retiradong pulis sa Payatas, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si ret. SPO4 Cons­tancio Pitagan, 62, dating nakata­laga sa  Batasan Police Station 6 at naninirahan sa  Payatas St., Brgy. Pa­yatas-A, Quezon City sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base  sa report  ni P/Supt Ronnie  Montejo, hepe  ng        QCPD-PS-6, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng  biktima  sa nasa­bing barangay.

Nauna rito, nabatid na may nagbato  umano sa bintana ng bahay ng biktima at nagising ito pati ang pamilya.

Kinutuban umano ang biktima sa sitwasyon at itinago muna  ang kanyang pamilya  sa isang kuwarto bago siya  bumaba ng bahay para alamin ang mga nambato. Su­balit pagbaba niya ng  bahay ay sinalubong siya ng anim na mga armadong suspek na may suot  ng bonnet at helmet.

Sa tagpong ito, pinagbabaril ng mga suspek ng gamit nilang .45 kalibre na baril at M16 rifle ang biktima.

Makaraan ang insidente, mabilis na  tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang  nakaabang na motorsiklo patungo sa direksiyon ng Montalban.

Kaugnay nito, agad inatasan ni Supt. Montejo ang follow-up operation para  tugisin ang mga hinihinalang hired killers.

Hinala ng pulisya, ma­aaring atraso ang motibo ng pamamaril ng mga suspek  sa biktima gayunman patuloy pa ring iniimbestigahan ang kaso.

BATASAN POLICE STATION

BRGY

HINALA

KAUGNAY

MONTEJO

PAYATAS ST.

QUEZON CITY

SUPT RONNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with