^

Metro

Ex-police itinumba sa mahjungan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang  dating pulis na ngayon ay tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA)   nang paulit-ulit na paputukan ng baril ng isang seaman na rumesbak dahil sa pagkamatay ng kapatid sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Arnold Reno, ng  Paraiso Extn., Magsaysay Village, Tondo,  sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Arestado naman ang itinuturong suspect na si Romeo Hernandez, 30, seaman  ng Velasquez St., Tondo.

Sa ulat ni PO3 Mario Asilo ng Manila Police District dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng compound  sa Trinidad St., Block 2, Tondo, Maynila.

Naglalaro umano ng mahjong­ ang biktima, ka­sama ang mga kaibigan,  nang dumating ang suspect  ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang una.

Tila hindi pa nasiyahan ang suspect  nang bumagsak ang biktima ay dalawang beses pa ulit pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Makalipas ang ilang oras, nadakip na ang suspect.

Sinabi ni Chief Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng MPD-Homicide Section, galing umano ang saksi sa isang internet shop nang nakarinig ito ng putok ng baril at paglabas nito ay nakita ang suspect  na naglalakad at itinatago na ang baril sa beywang.

Sinabi ni Dela Cruz na  paghihiganti umano ang nakikitang motibo sa pagpatay dahil gusto umanong ipag­higanti ng suspect ang kanyang kapatid na umano’y  pinatay ng kaibigan ni Reno, subalit ito ang niresbakan.

ARNOLD RENO

CHIEF INSP

DELA CRUZ

HOMICIDE SECTION

MAGSAYSAY VILLAGE

MANILA POLICE DISTRICT

MARIO ASILO

MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with