^

Metro

Onsehan sa droga, kelot dinedo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Onsehan sa droga ang pinaniniwalaang motibo sa pamamaslang sa isang 27-anyos na lalaki, makaraang pasukin sa loob ng bahay saka pagbaba­rilin kahapon ng umaga sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Nakilala ang biktimang si Mark Dave Maravile ng #772 Blk. 1 Gasangan, Dubai­ St., Baseco Compound.

Samantala, dalawa sa suspect na pawang armado ng baril ang mabilis na tumakas, na umano’y miyembro ng sindikato at malaking tulak ng shabu sa lugar ang nakilala sa mga alyas “Tom” at “Rex”, na residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Anthony Boncan kay P/Sr.Insp. Esmael “Maying” dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong alas-10:00 ng umaga  nang maganap ang nasabing krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Natutulog ang biktima nang biglang pasukin ng dalawang suspect at pagba­barilin ng tatlong beses sa katawan.

Ayon kay Christine, 25,  misis ng  biktima, miyembro umano ng drug syndicate ang mga suspect kung saan hindi nakapag-remit ang kanyang  asawa na isa namang ‘tulak’.

Nagpahayag din ng pangamba si Christine na posibleng sila naman ang  balikan ng mga suspect kung kaya’t naghahanda na rin siyang lumipat ng ibang  lugar.

Pansamantalang inilagak sa St. Yvan Funeral morgue para sa kaukulang awtopsiya.

 

vuukle comment

ANTHONY BONCAN

AYON

BASECO COMPOUND

BATAY

CRUZ

MANILA POLICE DISTRICT-CRIME AGAINST PERSONS INVESTIGATION SECTION

MARK DAVE MARAVILE

PORT AREA

ST. YVAN FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with