^

Metro

Truck driver nakipag-karera, putol ang paa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Putol ang paa ng truck driver habang sugatan ang dalawang katao  matapos mauwi sa karambola ang pakipag-karerahan sa kalye sa Road 10, Vitas, Tondo, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng  Manila Traffic Bureau, naputulan ng ka­liwang binti ang trailer truck driver na si Ernie “Boy” Go, 27, gayundin nadamay at nasugatan din sina Rocky Limpiado, 46  at Celso Baltimar, 9. Dakong alas-10:55 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng R-10 at Sandico St. Tondo, Maynila.

Nakikipag-karera umano si Go habang minamaneho ang trailer truck (USZ-400)  sa isa pang truck na minamaneho ni  Isidro Babon sa north bound ng R-10  nang makitang kumabig sa kaliwa ang  truck ni Babon (KDJ-960) at nahagip ang gilid ng isang bahay at nahagip pa ang kasalubong na isa pang trailer truck na plakang TXU-351 kaya nadamay din ang isang Fuzo truck ZMG-343, dahil sa biglaang paghinto.

Si Babon ay kinuyog umano ng taumbayan at kasalukuyang nakapiit at inihahanda laban sa kaniya at kay Go ang mga kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property.

vuukle comment

BABON

CELSO BALTIMAR

DAKONG

ISIDRO BABON

MANILA TRAFFIC BUREAU

ROCKY LIMPIADO

SANDICO ST. TONDO

SI BABON

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with