^

Metro

Kelot binoga sa ulo dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan at tadtad ng tama ng bala sa ulo ang isang lalaki habang nakahandusay sa isang kalye sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Nakilala ang biktima na si Allan Jhon Estival, 33, binata, electrical maintenance at residente sa Block 2, Lot 3, Pilot Area 3, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan na lamang duguan at walang buhay sa may harap ng Grace Store na matatagpuan sa Roxas 1 St., Pilot Area 3, ng nasabing barangay dakong alas-11:15  kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Grace Nabia, papasara na sana siya ng kanyang tindahan nang mapuna niya ang biktima na duguang nakahandusay sa gitna ng kalye.

Matapos nito, nagpasya si Nabia na puntahan ang bahay ng biktima at ipabatid ang pangyayari sa kanyang tatay na si Mang Mario.

Agad namang humingi ng tulong si Mang Mario sa barangay official sa lugar na siya namang tumawag ng pulis para sa imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) narekober sa lugar ang isang kalibre 38 baril na loaded ng limang bala; at isang basyo ng bala nito; at tatlong basyo ng bala ng kalibre .380 baril at isang botelya ng Colt 45 na may kalahati pang laman.

Sa eksaminasyon, lumabas na nagtamo ang biktima ng multiple gun shot wounds sa ulo na siyang agad na iki­namatay nito.

Nahihirapan namang makuha ng pulisya ang tunay­ na pangyayari at kung sino ang suspect dahil wala umanong nakakita sa nasabing pangyayari.

ALLAN JHON ESTIVAL

ANTHONY TEJERERO

AYON

BRGY

GRACE NABIA

GRACE STORE

MANG MARIO

MATAPOS

PILOT AREA

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with