^

Metro

Seguridad ng mga Bgy. Officials tiniyak ni Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatitiyak na ang mga barangay officials na may seguridad na sila habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin matapos na  tanggapin ang insurance iden­tification cards mula kay Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Kasama ang ilang opisyal  ng FLT Prime Insurance Corporation, ipinamahagi ni  Lim ang 15,000 insurance ID cards sa mga barangay officials sa San Andres Sports Complex sa Manila.

“Kami po’y nasisiyahan na ipamigay sa inyong mga barangay chairmen, kagawad at tanod ngayong araw itong mga insurance policy cards. Sa January naman ay ang sa mga SK sapagkat hindi naman kasi natin pwedeng pagsabay-sabayin,” ani Lim.

Ang pamamahagi ng in­surance policy cards ay bahagi ng social programs ni Lim  sa ilalim ng “Handog Pagmamahal ni Mayor Alfredo S. Lim,” na naglalayong mabigyan ng proteksiyon at seguridad ang mga ba­rangay officials at kanilang mga pamilya.

Umaasa ang alkalde na tuluy-tuloy ang ganitong uri ng  serbisyo kahit matapos na ang kanyang termino.

Ayon  naman kay  Nicolas Uy de Baron, General Manager­ ng FLT Prime In­surance Corporation, nagsimula na ang effectivity ng  insurance card kahapon at matatapos  ng Disyembre 12, 2013. Kabilang sa coverage nito ang  Accidental Death and Dis­ablement P50,000; Burial Cash Assistance­ (due to accident only) P5,000; Unpro­voked Murder or Assaul­t P25,000 at  Motorcycling P25,000.

Bukod kay Lim, kasama ring namahagi sina Manila Barangay Bureau chief Atty. Analyn Buan Vice Mayoral candidate, Councilor Lou Veloso, Councilor Josie Siscar, Councilor Ramon Morales,  Brgy. Chairpersons Thelma Lim, Jaime Co, Francis Villegas,  Joey Venancio; Severino Reyes at Jograd dela Torre.

ACCIDENTAL DEATH AND DIS

ANALYN BUAN VICE MAYORAL

BURIAL CASH ASSISTANCE

CHAIRPERSONS THELMA LIM

COUNCILOR JOSIE SISCAR

COUNCILOR LOU VELOSO

COUNCILOR RAMON MORALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with