^

Metro

Killer ng brgy. Chairman tugis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang malawakang manhunt at follow-up operation ang isinasagawa ngayon ng  Manila Police District laban sa dalawang suspect na pumatay sa isang barangay chairman sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Ito’y matapos na iutos ni  Manila Mayor Alfredo S. Lim  ang masusing imbestigasyon kay MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez  sa pagpatay kay Saturnino Grutas, 46, chairman ng  Brgy. 101, Zone 8 sa Tondo at residente ng  Building 25, Unit 2012, Vitas Tondo.

Si Grutas  ay binaril at na­patay  kamakalawa ng gabi  sa harap ng Arjay Audio Service Center at Chie-Chie Cassava cake sa   Juan Luna St., Tondo habang papunta sa kanyang  electronic shop.

Batay sa imbestigasyon ang isa sa mga suspect ay tinatayang nasa edad 50 hanggang 55, may taas na 5’7’’,  katamtaman ang panga­ngatawan at kulot ang buhok habang ang isa naman ay nasa 40  hanggang  45-anyos, may  taas na 5’8’’ at katamtaman ang  pangangatawan.

Paghihiganti ang tinitingnang motibo sa krimen ma­tapos na ipakulong umano ng biktima ang mga kilabot na holdaper sa kanyang nasasakupan.

Subalit ayon sa misis ng biktima na si Emily, walang kinalaman sa paghuli ng mga holdaper ang kanyang asawa bagama’t  nagsasagawa ito ng kampanya laban sa iba’t  ibang uri ng krimen.

Sinisiyasat pa rin ang iba pang motibo sa na­ganap na pamamaslang.

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

ARJAY AUDIO SERVICE CENTER

CHIE-CHIE CASSAVA

CHIEF SUPT

JUAN LUNA ST.

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

SATURNINO GRUTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with