Fire volunteers pinuri ni Lim
MANILA, Philippines - Pinapurihan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang ng mga fire volunteers na tumutupad sa tungkulin sa panahon ng sunog, emergencies at kalamidad.
Sa kanyang pagsasalita sa TXTFire Philippines Christmas Grand Eyeball na ginanap sa Chiang Kai Shek College Auditorium sa Tondo, sinabi ni Lim na ang mga ito ay maituturing na ‘unsung’ heroes. Kasama ni Lim sina third district Councilor Ramon Morales at tumatakbong konsehal sa unang distrito ng Maynila na si Raffy Jimenez.
Ayon kay Lim, lubos ang kanyang pasasalamat sa grupo na pinamumunuan ni Gerie Chua, kung saan walang sawa itong namimigay ng tulong sa mga nangangailangan kabilang na ang pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad at blood donations. Dumalo din sa okasyon si honorary chairman Francisco Guevarra.
Bilang pasasalamat, tiniyak din ng alkalde na mabibigyan ng libreng medical services sa mga ospital ang mga fire volunteers na masasaktan sa kanilang serbisyo.
Kabilang dito ang Gat Andres Bonifacio Medical Center, Ospital ng Tondo, Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at ang Sta. Ana Hospital.
Samantala, pinarangalan ni Lim ang may 1,600 volunteer firefighters na patuloy sa pagtulong at pagtaya sa kanilang mga buhay.
Nagpasalamat naman si Chua kay Lim sa suporta nito sa grupo at tutumbasan din nito ang tulong ng alkalde.
- Latest