100 trak huli sa truck ban
MANILA, Philippines - Aabot sa isang daang truck ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw nang pagpapatupad ng truck ban.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, naging mahigpit ang pagpapatupad ngayon ng truck ban na inaasahang makakatulong sa pagluwag sa trapiko sa mga lansangan ngayong Christmas season.
Sinabi ni Tolentino na ang mga truck na may gross weight na 4,500 kilogram ay bawal dumaan sa lansangan ng Metro Manila.
Ang pagpapatupad ng truck ban ay inumpisahan noong Disyembre 7 ng taong kasalukuyan hanggang Enero 6, 2013 at itoy araw-araw maliban lamang tuwing araw ng Linggo at holidays.
Sa ilalim ng truck ban, hindi pa rin makakadaan ang mga truck sa EDSA mula Magallanes Interchange hanggang Balintawak. Total truck ban din sa kahabaan ng EDSA.
Ipinaliwanag pa ni Tolentino na hindi sakop ng ban ang mga truck na may lamang perishable at agricultural goods.
- Latest