Mekaniko todas sa tandem
MANILA, Philippines - Napatay ang 35-anyos na mekaniko matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa San Andres Bukid, Maynila kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Rafael Unating ng San Andres Bukid, Manila. Ayon kay SPO2 Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bandang alas-11:20 ng gabi naganap ang pamamaril sa panulukan ng Diamante at Zapiro Street. Ilang saksi naman ang nakakita na magkaangkas sa motorsiklo ang gunmen at tatlong beses na nagpaikut-ikot sa nasabing lugar at nang maispatan ang biktima ay isinagawa ang pamamaril.
- Latest