Dahil sa tsinelas, binata tinodas
MANILA, Philippines -Todas sa saksak ng basag na bote ang 22-anyos na binata dahil lamang sa isang pares ng tsinelas na pinag-interesang pulutin sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Larry Zanira, ng Daang Bakal corner Batangas Sts., Tondo.
Nagtatago na ang suspect na nakilalang si Ian Montecillo.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 7, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa Antipolo St. malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Ave., Tondo, Maynila.
Sinabi sa ulat na habang naglalakad umano ang biktima ay nakakita ito ng isang pares ng tsinelas at nang tinangkang damputin ay sinita ng suspect na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa pumulot ng basag na bote ng beer ang suspect at undayan ng saksak sa tiyan ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspect sa direksiyon ng Jose Abad Santos Avenue.
- Latest