^

Metro

Bulok na mga sasakyan, out na sa Enero – LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na papayagan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na mairehistro simula sa Enero ng susunod na taon ang mga bulok at kakarag-karag na mga pampasaherong sasakyan sa bansa laluna ang mga lumang garage-to-terminal (GT) express vehicles na mahigit 10 taon nang  pumapasada sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob, na karamihan sa mga sasakyang ito ay sira na ang aircon  at may kakaiba nang amoy dahil sa sobrang pagkaluma at maging ang interiors ay hindi na komportable sa mga mananakay. May 34 percent ng 20,000 units  ng  Asian Utility Vehicles (AUVs)  at vans ay nabigyan ng  franchise noon bilang  GT express vehicles noong panahon ni dating LTFRB Chairman Thompson “GT” Lantion. 

Sinabi ni Jacob na kung intact pa ang franchise ng mga bulok na AUVs na ito ay dapat na palitan agad ito ng brand new. Sinasabing may 10 taon lamang ang buhay ng  franchise ng AUVs pero nadagdagan pa ito ng 3 taon dahil  sa kahilingan ng mga operators. Pero kung naka 13- taon na ay dapat nang tuluyang igarahe simula sa  Enero at hindi na irerehistro ng LTO.

ASIAN UTILITY VEHICLES

AYON

CHAIRMAN JAIME JACOB

CHAIRMAN THOMPSON

ENERO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LANTION

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with