^

Metro

5,000 armas na nasamsam ng LRTA, isusuko sa PNP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kabuuang 5,232 iba’t ibang uri ng mapanganib na armas na nakumpiska ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) ang nakatakdang isuko sa Philippine National Police (PNP).

Iprinisinta kahapon ni LRTA spokesman Atty. Her­nando Cabrera ang kahun-kahong mga armas na na­kum­piska nila sa ipinatu­tupad na pag­hahalughog at pagkap­kap sa mga pasahero sa bawat istasyon ng LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) at Line 2 (Santolan-Recto).

Kabilang sa pinaka­marami nilang armas na nakum­piska ang ballpen knives, mga belt knives, belt knuckles, ang paboritong balisong, toy guns, teaser guns, hacksaw knives, at iba’t ibang uri at hugis ng patalim.

Kasama rin sa ilang nakumpiska ang mga mapupurol na itak na posibleng ginamit sa paglilinis ng mga puntod, tari sa manok, iba’t ibang uri at laki ng mga kutsilyo na gamit sa pagkatay ng hayup at maging ang pinakasimpleng bamboo stick na gamit na pantusok ng banana que.

Sinabi ni Cabrera na nakikipag-ugnayan na sila sa PNP para sa angkop na pa­ngangalaga ng naturang mga armas.

Kasabay nito, nanawagan si Cabrera sa mga pasahero ng LRTA na maging pasen­syoso sa ginagawa nilang ins­peksyon ng kanilang bagahe dahil sa hangad nila ang kanilang kaligtasan sa loob ng kanilang mga istasyon. Patunay umano dito ang napakarami nilang nakumpiskang armas at patalim na maaaring magamit ng mga masasamang-loob sa loob ng mga tren at ma­ging daan sa paglalagay sa panganib sa mga pasahero.

vuukle comment

CABRERA

IPRINISINTA

KABILANG

KASABAY

KASAMA

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHO

PATUNAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with