^

Metro

Thanksgiving party sa mga PWDs ginanap sa Zoo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang thanksgiving party ang  inihanda ni  Manila Mayor Alfredo Lim  sa mga  persons with disabilities kung saan libreng naka­pasok ang mga ito sa Manila Zoo kahapon.

Ayon kay Lim, ang isinagawang  thanksgiving party ay isa lamang sa mga paraan upang ipakita nila ang  pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga PWDs, partikular na ang mga bata na dumaranas ng iba’t ibang uri ng sakit.

Ang nasabing okasyon ay  pinangunahan nina Lim, parks and recreations bureau director Engr. Deng Ma­nimbo at photographer na si John Chua na trainer ng elepanteng si  Mali.

Giit ng alkal­de, umaabot sa may 200 PWDs ang  kasalukuyang emple­yado ng  city hall.

“We do not discriminate. In fact, we encourage the PWDs in Manila to become productive citizens and excel in their assigned tasks by treating then no differently from those who do not have any disabilities and giving them equal opportunities,” dagdag pa ni Lim.     

Sinabi naman ni Manimbo na matapos ang matagumpay na “PWD Thanksgiving Day”,  napagpasyahan na nilang gawin ito taun-taon sa  Manila Zoo.

 

AYON

DENG MA

GIIT

ISANG

JOHN CHUA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA ZOO

MANIMBO

THANKSGIVING DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with