^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng doktor

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang namatay habang isa pa ang sugatan matapos na  mabaril ng umano’y doktor kamakalawa sa Quezon City.

Nasa kustodiya ngayon ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit  si Dr. Arnold de Vera, 57, ng #43 E. Rodriguez St., Bgy. Immaculate Concepcion kasunod ng nangyaring pamamaril sa may panulukan ng New York Street, at E. Rodriguez Blvd., Bgy. Immaculate Concepcion sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, ang naarestong suspect na isang surgeon ay itinuturong bumaril at nakapatay sa isang Erwin Laguindao, 27, isang emple­yado ng House of Precast na matatagpuan sa E. Rodri­guez St.

Si Laguindao ay nasawi, habang ang pamangkin nitong si Renato Laguindao, 18 ay nasugatan dahil sa tama ng bala sa kaliwang balikat.

Nangyari ang insidente sa may panulukan ng New York at E. Rodriguez Streets, ganap na alas-9:10 ng gabi nang dumating umano si De Vera sa bakery na umano’y lasing at nagbitaw ng masasamang salita sa mga biktima, bago umalis.

Sinabi ni Renato, nakipagtalo umano ang doktor sa isa nilang kasamahan na nakilala lamang sa pangalang Randy na umalis naman agad, bago siya dumating.

Makalipas ang 15 minuto, umalis na rin sa bakery ang biktima at mga kasamahan nito. Habang sila’y naglalakad, sabi pa ni Renato na nakita niya ang suspect na armado­ at biglang nagpaputok sa direksyon nila.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga barangay tanod sa lugar at inaresto ang suspect. Habang ang dalawang biktima ay itinakbo sa ospital, pero huli na para kay Erwin.

 

vuukle comment

BGY

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

DE VERA

DR. ARNOLD

ERWIN LAGUINDAO

HABANG

HOUSE OF PRECAST

IMMACULATE CONCEPCION

NEW YORK

NEW YORK STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with