^

Metro

Tren ng LRT umusok, mga pasahero nagpanik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpanik ang mga pasahero ng isang tren ng LRT Line 1 at nagtakbuhan palabas matapos na umusok ang isang bagon nito sa Carriedo Station sa Quiapo Maynila, kahapon.

Ayon kay LRT Authority (LRTA) Spokesman Hernando Cabrera, galing ang tren sa Monumento at patungo ng Bac­laran nang bigla na lang itong umusok pagdating sa Carriedo.

Nataranta ang mga pasahero nang isa sa mga ito ang mag-activate ng emergency break at nagbukas ng emergency door kaya’t kani-kaniya nang nagtakbuhan palabas ng tren.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente at agad din namang naibalik sa normal ang operasyon ng LRT-1.

Ang umusok na tren ay dinala sa Central Station upang suriin at alamin ang dahilan   ng aberya. Teorya ni Cabrera na posibleng nag-overheat at nag-malfunction ang brake system ng tren kaya umusok ito.

 

AYON

CABRERA

CARRIEDO

CARRIEDO STATION

CENTRAL STATION

MONUMENTO

NAGPANIK

NATARANTA

QUIAPO MAYNILA

SPOKESMAN HERNANDO CABRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with