^

Metro

Oil hike uli umarangkada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis kahapon ng umaga upang salaminin ang galaw ng presyo­ nito sa internas­yunal na merkado.

Sa advisory ng Seaoil at Phoenix Petroleum, dakong alas-6 ng umaga nang magtaas sila ng P.70 kada litro sa diesel, P.60 kada litro­ sa premium at un­leaded gasoline at P.50 kada litro naman sa kerosene.

Sumabay din ang Petron at Total Philippines na nagpatupad ng kahalintulad na halaga ng pagtataas sa parehong produkto. 

Nagtaas naman ang Pilipinas Shell ng P.70 sa diesel, P.60 sa unleaded gasoline at P.50 sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng kanilang premium gasoline.

Noong Nobyembre 20, unang nagpatupad ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis. 

Nasa P1.15 kada litro ang itinaas sa presyo ng premium at unleaded gasoline, P.70 sa regular gasoline at P.25 sa kada litro ng kerosene.

vuukle comment

GASOLINE

MULI

NAGTAAS

NOONG NOBYEMBRE

PETRON

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

SEAOIL

SUMABAY

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with