^

Metro

Pagtaas ng pasahe sa LRT, hindi tuloy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa publiko lalo na sa mga regular na pasahero ng Light Rail Transit Line 1 at 2 na aayusin muna ang mga sirang elevators, escalators at mga palikuran bago magsagawa ng pagtataas sa pasahe sa susunod na taon.

Sinabi ni LRT Autho­rity spokesman Atty. Hernando Cabrera na nagpalabas na  sa kanila ng kautusan si Transporta­tion Secretary Joseph Emilio Abaya na ayusin lahat­ ng sirang mga pasi­lidad sa kanilang mga istasyon.

Kabilang sa mga inirereklamo ng mga pasahero ang mga sira-sirang elevators at escalators na pahirap lalo na sa mga may kapansanan at mga matatanda dahil sa napipilitang umakyat sa mga matataas na hagdan at ma­ging ang kawalan ng pali­kuran lalo na sa mga lumang is­tasyon ng LRT mula Bac­laran hanggang Monumento.

Bukod dito, mahigpit din umanong iniutos ni Abaya ang pagsasaayos sa serbisyo sa mga pasahero at dagdag na seguridad.

Ito’y makaraang tuligsain ang LRTA nang pumutok ang kontrobersyal na “Amalayer video” sa internet ukol sa isang estudyante na nagtata­talak sa isang security guard dahil sa pabastos na pagsita umano sa kanya.

Bagama’t mara­ming kumakastigo sa inasal ng estudyante, marami rin ang nagsabi na marami ring mga guwardiya at emple­yado, lalo ang mga teller­ ng LRT ang mga bastos sa mga pasahero.

Itinanggi naman ni Cabrera­ na sa Enero 2013 na itutuloy ang pagtataas sa pasahe ng LRT dahil sa ka­salukuyang isinasailalim pa umano ito sa dagdag na deliberasyon ng DOTC.

ABAYA

AMALAYER

AUTHO

BAGAMA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->