^

Metro

Caretaker dedo sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang caretaker ang nasawi makaraang pagba­barilin ng hindi nakikilalang salarin habang nakatayo sa harap ng isang restaurant sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Godofredo Agudo, 58, may-asawa ng 1-B-503 Asco Village, Malaria, Caloocan CIty.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may harap ng Dory’s restaurant na matatagpuan sa Lot 10 Phase III, Jordan Subd., Commonwealth Ave., Brgy. Pasong Putik, ganap na alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay Carlos Gregor Wong, isasara niya ang pintuan sa likod ng restaurant nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril mula sa labas.

Tiningnan ni Wong ang pinagmulan ng putok kung saan naroon ang biktima na nakahan­dusay at duguan ang katawan habang tumatakbo naman papalayo ang isang  lalaki sa nasabing lugar.

Agad na ipinagbigay alam ni Wong ang pangyayari sa mga awtoridad para sa imbestigasyon. 

Narekober sa lugar ang anim na basyo ng kalibre 45 baril at tatlong deformed slugs nito.

ASCO VILLAGE

AYON

BRGY

CALOOCAN

CARLOS GREGOR WONG

COMMONWEALTH AVE

GODOFREDO AGUDO

ISANG

JORDAN SUBD

PASONG PUTIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with