^

Metro

Kelot tigok sa rumespondeng pulis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatangkang tumakas, minalas na masawi ang isang la­laki  na inaaresto sa bin­tang na pagnanakaw ng cellphone sa isang residente sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Jojo Soler, 36, may-asawa, walang trabaho ng Block 1, GK Espiritu Santo Village, Sitio Pajo, Baesa sa lungsod.

Itinuring namang suspect ang pulis na si PO1 Johnny Boy L-Bauza, nakatalaga sa District Public Safety Batallion, QCPD Station Camp Karingal, Sikatuna Village, dahil sa insidente.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng GK Espiritu, Santo Village, Brgy. Baesa, ganap na alas-3 ng hapon. 

Bago ang insidente, si Erwin Balagtas na bik­tima umano ng robbery ay humingi ng tulong sa nagpapatrulyang mobile QC-142 kung saan sakay sina Bauza at dalawa pang pulis ng DPSB-QCPD dahil sa tinangay umano ni Soler ang kanyang cellphone.

Ayon kay Ryan Mendoza, nakita umano niya ang grupo ni Bauza at ina­resto si Soler. Habang sinasabihan si Soler ng kanyang karapatan, ay biglang nagtatakbo ito sa isang eskinita, sanhi para habulin siya ng mga naturang parak.

Ilang sandali, big­lang umalingawngaw ang mga putok ng baril hanggang sa makita na lang ang biktima na duguang humandusay sa lapag.

Agad na isinugod ang biktima ng mga pulis sa Quezon City General Hos­pital pero idineklara din itong patay dahil sa tama ng bala sa katawan.

 

BAESA

BAUZA

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATALLION

ERWIN BALAGTAS

ESPIRITU SANTO VILLAGE

JOHNNY BOY L-BAUZA

JOJO SOLER

QUEZON CITY GENERAL HOS

RYAN MENDOZA

SANTO VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with