Sekyu todas sa boga ng kapwa sekyu
MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasawi matapos na tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng kasamahan habang itinatabi ito sa information center na kanilang binabantayang kompanya sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang biktima na si Emetrio Pacle Jr., 37, biyudo, ng Baesa Road, Brgy. Baesa sa lungsod.
Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang suspect na si Roy Nayug, 30, at residente ng Reparo St., Bagong Barrio sa lungsod.
Nangyari ang insidente sa loob ng Sobida Motors Corporation na matatagpuan sa 49 Gen. Luis St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, ganap na alas-7:45 ng gabi.
Lumilitaw na ang biktima at suspect ay parehong naka-duty sa oras na nabanggit kung saan ay inaayos ng huli ang kanyang shotgun para itabi sa information counter ng kanilang tanggapan ng aksidenteng pumutok at tinamaan ang biktima na nagbabantay sa may main gate nito.
Dahil dito, agad na isinugod ng suspect ang biktima sa Novaliches General Hospital pero idineklara din itong dead-on-arrival.
- Latest