^

Metro

Pulis na nakapatay sa massacre suspect, kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong homicide ng Manila Police District  ang kanilang kabaro na nakabaril at nakapatay  sa suspect na nagmasaker sa Maynila sa tatlo katao.

Ito ang nabatid kahapon kay Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, ka­sunod ng insidente ng pagkakabaril kay Nestor­ Delizalde Jr., ni PO3 Michael Pastor, opera­tiba ng MPD-DPIOU sa loob ng mobile car.

Gayundin, nabatid na pumunta kamakalawa ang mga tauhan ng Commission on Human Rights (CHR), para humingi ng kaukulang report kaugnay sa nangyaring insidente.

Paliwanag ni  De Ocampo, ang pagsasampa ng kaso kay Pastor ay ginawa kasunod ng pagbatikos ng CHR sa panibagong insidente ng pang-aagaw ng baril.

“Talaga namang nang-agaw ng baril, e, anong magagawa natin,” ayon kay De Ocampo.

Sinabi  ni De Ocampo na dalawang kasamang preso ni Delizalde na sina Kenneth Soto at Juvonne Tolentino, ang nakarinig na nagpaalam umano ang una na mang-aagaw­ na lamang siya ng baril.

Si Delizalde ang itinuturong suspect sa pag-masaker sa BDO executive na si  Evelyn Tan, 40; inang si Teresa­, 60, at ka­nilang ka­sambahay na Cristina Bartolay, 22, noong Nobyembre 11 sa loob ng kanilang tahanan­ sa Sta. Cruz, Maynila.

CRISTINA BARTOLAY

DE OCAMPO

DELIZALDE JR.

EVELYN TAN

HOMICIDE SECTION

HUMAN RIGHTS

JUVONNE TOLENTINO

KENNETH SOTO

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with