^

Metro

Kuya utas kay bunso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ng isang lalaki ang kanyang nakatatandang ka­patid matapos ang mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Cezar Cristobal, 34, ng Carola St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tinamong saksak sa katawan.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Crispin, 32, bunsong kapatid ng biktima na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:50 ng hapon sa kalsada ng Carola St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nagsuntukan muna ang dalawa sa hindi pa mabatid na dahilan at nakita na lang ang pagbagsak ng biktima.

Napag-alaman pa na patay na ang mga magulang ng da­lawa at malimit umano itong nag-aaway. Kamakalawa, muling nagtalo ang magkapatid at nauwi sa suntukan hanggang sa bumunot ng patalim si Crispin.  Gayunman patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

CAROLA ST.

CEZAR CRISTOBAL

GAYUNMAN

KAMAKALAWA

MAYNILA

NABATID

NAPAG

NAPATAY

OSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with