^

Metro

Sa aktong tumatanggap ng suhol BIR official timbog ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR)  dahil umano sa pagtanggap  ng P100,000  suhol mula sa isang negosyante.

Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas ang dinakip  na si Thelma Binuya, Revenue Officer I, 53, ng Calumpit, Bulacan at naka-assign sa BIR Revenue Region No. 5, Revenue District Office No. 27, Caloocan City.

Haharapin ni Binuya ang kasong paglabag sa Republic Act 3019, mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa reklamo ni Joselito B. Ramos, President/General Manager ng  Sinusoidal Electrical Support, Inc. (SES).

Sinabi ni Rojas na naaktuhan nila si Binuya habang tinatanggap ang suhol na salapi sa entrapment operation noong nagdaang Biyernes.

Batay sa  reklamo,  humingi ng kunsiderasyon ang naturang kompanya para mabayaran  nila nang unti-unti sa loob ng 18 buwan ang kanilang tax liability na  P2,408,703.91.

Gayunman, itinuro umano ni BIR-RDO Albino M. Galanza  kay Binuya ang External Auditor  ng kompanya na si Mr. Gerardo Espino upang mapag-usapan ang naturang kahilingan.

Ayon kay Espino tiniyak sa kanya ni Binuya na maaaprubahan ang kanilang kahilingan subalit hiningan siya ng karagdagang P100,000 nito bilang konsiderasyon kapalit ng tulong.

Dalawang araw ang nakalipas, tinawaran umano ni Espino ng P80,000  ang hinihingi ni Binuya na pinayagan naman ng huli at noong November 16, 2012 ay sinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Binuya. 

 

ALBINO M

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BINUYA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CALOOCAN CITY

DIRECTOR NONNATUS CAESAR ROJAS

EXTERNAL AUDITOR

GENERAL MANAGER

JOSELITO B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with