^

Metro

Jail warden sinibak riot sa Marikina jail: 1 patay, 2 sugatan

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sibak sa puwesto ang jail warden ng Marikina City Jail makaraang isang preso ang nasawi habang da­lawa pa ang sugatan nang magsagawa ng protesta ang mga bilanggo kama­kalawa ng hapon dahil sa umano’y pagmama­labis  ng mga jailguards.

Tinanggal na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanyang puwesto si J/Sr. Insp. Nicanor Abraham at pinalitan ni J/Sr. Insp. Gregorio Acacio.

Nakilala naman ang nasawing bilanggo  na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Roel Diaz habang sugatan naman sina Jayson Malicdin at John Cariño.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon ng magwala at mag-ingay ang mga bilanggo sa ikalimang palapag ng Marikina Justice Hall. Ipinopro­testa ng mga preso ang umano’y sobrang pag­hi­higpit ni Abraham sa kanila at maging sa kanilang mga bumibisitang kaanak na pinag­huhubad pa umano ng damit at kinakapkapan maging ang mga panloob bago makapasok ng bilangguan.

Tinangka namang papayapain ng mga jailguards ang mga nagwawalang preso hanggang sa isa umano sa mga bantay ang nagpaputok ng baril at tinamaan ang tatlong bilanggo.  Agad namang isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang tatlo ngunit binawian ng buhay­ si Diaz.

Patuloy naman ang masusing imbestigas­yon ng Marikina Police kung saan inaalam din kung sinong jailguard ang nagpaputok at nakatama sa mga bi­langgo. Iniimbestigahan din naman umano ng BJMP ang akusas­yon ng mga preso.

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

GREGORIO ACACIO

JAYSON MALICDIN

JOHN CARI

MARIKINA CITY JAIL

MARIKINA CITY POLICE

SHY

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with