^

Metro

Mister nagbigti dahil sa utang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kaliwa’t kanang utang, naisipan na lamang magbigti ng isang driver sa loob ng kanyang bahay, sa Sta. Ana, Maynila,   kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Ariel Francisco, 34, may-asawa, personal driver ng isang abu­gado at residente ng #2162 Road 3,  Fabie St., Sta.  Ana, Maynila.

Sa ulat ni PO3  Amelito Lopez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:40 ng umaga­ nang madiskubre ng kanyang landlord na si Jerry Perez, 30, ang biktima na nakabitin sa hagdanan ng paupahang bahay.

Bumulaga umano sa paggising ni Perez ang nadaanang nakabigti sa hagdanan  gamit   ang isang electrical wire. 

Mabilis na ipinabatid ni Perez sa natutulog na si Marlene, 39, misis ng biktima ang nakita.

Ayon naman umano kay Marlene, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang huli umano silang mag-usap ng mister na malaki umano ang problema sa dami ng hindi nababayarang utang dahil sa sobrang kaka­pusan.

Tumanggi na si Marlene na magsagawa pa ng malalimang imbestigasyon sa insidente dahil wala umanong foul play kundi suicide ang nangyari.

 

AMELITO LOPEZ

ANA HOSPITAL

ARIEL FRANCISCO

FABIE ST.

JERRY PEREZ

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLENE

MAYNILA

PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with