^

Metro

P.8-M pera at alahas: Biyuda biktima ng ‘Salisi gang’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang biyuda  ang nabiktima ng dalawang babae na miyembro ng ‘Salisi gang’ at tinatayang nasa P800,000 halaga ng pera at alahas ang natangay sa kanya sa Pasig City kahapon ng tanghali.

Ang biktima na nagtungo at nagreklamo sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Eastern Police District  (EPD) ay si Elvira Regal, 69, ng Balete St., Molave Annex II, Molave Subd., Parañaque City.

Sa salaysay ng biktima kay SPO1 Marlon Maiso, ng CIU, nangyari ang insidente dakong ala-1:25 ng tanghali habang naghahanap  siya ng mapaparadahan ng kanyang kotse na Toyota Camry (XPN-530) sa parking lot ng Pacific Bldg. Ortigas Center, Pasig City.

Sinabi ng biktima, lumapit sa kanya ang dalawang suspek na babae at sinabi umanong may nakasaksak na susi sa ‘back trunk hood’ ng kanyang sasakyan kaya siya bumaba ng kotse para tingnan. Habang nasa likuran ng sasakyan ang biyuda ay agad naman dinampot at tinangay ng mga suspek ang kanyang bag sa loob ng kotse na naglalaman ng mga alahas at pera na aabot sa P800,000. Hinala ng biktima na bagong estilo ng mga Salisi gang ang nangyari sa kanya kaya pinag-iingat nito ang publiko. 

 

vuukle comment

BALETE ST.

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EASTERN POLICE DISTRICT

ELVIRA REGAL

MARLON MAISO

MOLAVE ANNEX

MOLAVE SUBD

ORTIGAS CENTER

PACIFIC BLDG

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with