^

Metro

Bangkay sa likod ng Post Office, natagpuan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa tubig-baha sa likod ng Philippine Post Office sa Ermita,  Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 30-35, katamtaman ang pangangatawan, at nakasuot ng itim na short pants.

Sa ulat ni  SPO2 Glenzor Vallejo, dakong alas-6:15 ng umaga  nang matagpuan ang bangkay  sa  Muelle del Rio St., malapit sa Jones Bridge Lawton, Ermita, Maynila.

Nagsasagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MPD-Station 5 nang madiskubre ang bangkay ng lalaki.

Nakalutang umano sa hanggang tuhod na baha ang katawan ng lalaki na  wala naman nakitang kahit na anong sugat at hinihinalang namatay dahil sa taglay na  karamdaman.

Inilagak naman sa St. Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ERMITA

GLENZOR VALLEJO

INILAGAK

INILARAWAN

JONES BRIDGE LAWTON

MAYNILA

PHILIPPINE POST OFFICE

RIO ST.

ST. YVAN FUNERAL PARLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with