^

Metro

Kasong rape vs 2 suspect sa Rodelas case, isasampa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasampa na ng kasong rape ang Quezon City Police District laban sa dalawang nakakalayang suspect sa pagpatay sa model na si Julie Ann Rodelas.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Mario dela Vega, ang karagdagang kaso ay base sa pahayag ng suspect na si Jaymar Waradji at ang resulta ng autopsy na ginawa sa bangkay ng biktimang si Rodelas.

“Based on the autopsy report, there were findings of deep-healed laceration in the genital area,” ayon sa heneral sa ginawang press conference kahapon.

Pero nang tanungin kung tiyak na ang findings na tumutukoy sa rape, sabi ng heneral; “Let the court decide on that, that’s beyond our authority already. It is the sole authority of the court to say so.”

Tumawag ng press con­ference ang QCPD matapos ang ilang araw na hindi pagbibigay ng komento hinggil sa resulta ng autopsy – para huminto na ang tanong hingil sa tunay na resulta, partikular sa genital area  kung ginahasa ba o hindi si Rodelas.

Nilinaw ni Medico-legal officer Supt. Bonnie Yap Chua, base sa resulta ng autopsy na may “deep-healed laceration” - na nakita sa 5 o’clock at 9 o’clock positions - bilang termino ng medico legal.

“The laceration means that it is positive that there was penetration,” sabi ng opisyal.

Nang tanungin kung ang penetration ay nangyari bago pa ang pagpatay o ilang araw bago nito, ay tumanggi sumagot si Chua.

“I cannot answer that question yet, the proper forum would be the court,” sabi pa nito.

Ito rin ang sagot ni Chua sa tanong na kung gaano kahaba para sa sugat na humilom base sa nakasaad sa autopsy report.

Dagdag naman ni Dela Vega, magsasampa sila ng supplemental rape charges laban kina Efren Talib at alyas Aldos, na pawang nagtatago pa, base sa autopsy report at paglalahad ng suspect na si  Jaymar Waradji.

Partikular anya dito ang pagsasabi ni Waradji na habang nasa hideout si Rodelas sa Salaam Compound, Brgy. Culiat, ay narinig niya ang salita ni Talib na “Okay na, tapos na ako” matapos lumabas ng kuwarto kung saan nakakulong ang biktima.

Narinig din ni Waradji si Aldos na nagsabi na “Itatapon niyo rin lang naman ito, papakinabangan ko muna,” patungkol kay Rodelas.

Bukod pa dito, sinabi ni Waradji na narinig pa niya ang sigaw ni Rodelas ng “Huwag po, huwag po” habang nasa loob ng kuwarto kasama si Talib.

vuukle comment

ALDOS

BONNIE YAP CHUA

CHIEF SUPT

CHUA

DELA VEGA

JAYMAR WARADJI

RODELAS

WARADJI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with