^

Metro

Nurse pumalag sa holdap, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 23-anyos na nurse makaraang manlaban sa isang holdaper kamakalawa ng gabi ng San Juan City.

Ang biktima ay nakilalang si Joross Barquia, 23, at residente ng Bismark Provident Village, J. dela Peña St., Marikina City.

Naisugod pa si Barquia sa San Juan Medical Center ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas bunsod nang tinamong tatlong saksak sa leeg at kaliwang braso.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng San Juan Police, nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Lake St., kanto ng N. Domingo St., sa Brgy. Balongbato, San Juan City.

Sa salaysay sa pulisya ng testigong si Armando Melquiades, nabatid na sakay siya ng kanyang tricycle nang makita ang biktima na duguang naglalakad at humihingi ng saklolo.

Kaagad naman umano itong tinulungan ni Melquiades at dinala sa pagamutan.

Sinabi rin umano ng biktima kay Melquiades na hinoldap siya ng di-kilalang lalaki pero tumanggi siyang ibigay ang kanyang mga gamit kaya siya pinagsasaksak.

 

vuukle comment

ARMANDO MELQUIADES

BISMARK PROVIDENT VILLAGE

DOMINGO ST.

JOROSS BARQUIA

LAKE ST.

MARIKINA CITY

MELQUIADES

SAN JUAN CITY

SAN JUAN MEDICAL CENTER

SAN JUAN POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with