^

Metro

P13-M halaga ng kemikal at gamit sa paggawa ng shabu, winasak ng PDEA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  ang mga kemikal at mga aparato sa paggawa ng shabu na nagka­kahalaga ng P13 milyon sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dakong alas-10:00 ng umaga­ nang simulang wa­sakin ang mga aparato sa paggawa ng shabu sa inuupahang bodega na matatagpuan sa Brgy. Punturin ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang pagwasak sa mga laboratory equipments at paglusaw sa mga kemikal sa paggawa ng shabu ay isang paraan upang hindi maghinala ang publiko na muling naibebenta ang mga nakumpiskang droga.

Nabatid na kabilang sa mga  nilusaw ng PDEA ay ang 387.67 liters ng toluene, hydrochloric acid, ethyl alcohol, chloroform, methyl ethyl ketone at acetone.

Ang mga winasak ay ba­hagi ng mga nakumpiska sa mga nakaraang operation laban sa droga.

AYON

BRGY

DAKONG

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO CACDAC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

NABATID

PUNTURIN

VALENZUELA CITY

WINASAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with