^

Metro

4 timbog sa P15-M drug bust

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na pinaniniwalaang big time drug pusher kabilang ang dalawang Chinese ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng  PNP- Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng pagkakasamsam sa P15-milyong  halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasakoteng dayuhang suspect na sina Sam Ming Hei, 22 at Ming Tony Molina, 28,  kapwa naninirahan sa Pasig City at ang mga Pinoy na sina Byron Pornillosa, 32, at Arnold Laluces.

Ayon kay  PNP-AIDSOTF Spokesperson Chief  Inspector Roque Merdeguia, bandang alas-9:30 ng umaga ng magsagawa ng operasyon ang kanilang mga tauhan kasama ang PDEA  sa Economia corner Industria St. sa Brgy. Bagumbayan ng lungsod Quezon.

Bago ito ay isinailalim sa halos isang linggong surveillance operation ang mga suspect matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkakasangkot ng mga ito sa pagbebenta ng shabu.

Isang poseur buyer ng mga awtoridad ang nakipag-deal sa mga suspect na bibili ng illegal na droga kung saan nagkasundong magkikita sa nasabing lugar.

Ayon kay Merdeguia, ina­resto ang mga suspect sa aktong iniaabot sa kanilang poseur buyer ang tatlong kilo ng  high grade shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Bukod sa droga nasamsam din sa mga suspect ang dalawang behikulong gamit ng mga ito sa kanilang operasyon, drivers license, limang cell phone, apat na wallet at mga dokumento.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000 laban sa mga nasakoteng suspect.

ARNOLD LALUCES

AYON

BYRON PORNILLOSA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

INDUSTRIA ST.

INSPECTOR ROQUE MERDEGUIA

MING TONY MOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with