^

Metro

Lalaki nakaligtas sa salvage ng 5 pulis QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumulog sa tanggapan ng Commission on Human Rights ang isang 38-anyos na lalaki na sinasabing nakaligtas sa  salvage sa kanya ng limang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD).

Si Rommel Solarte, 38, ng  Brgy. Pansol sa lungsod ka­sama ang kanyang ina ay nagtungo sa CHR upang humingi ng ayuda hingil sa umano’y pagkakaligtas nito sa tangkang pagpatay sa kanya ng limang kagawad ng QCPD-PS9. Itinuro nito sina PO1 Glen Laron, SPO1 Alejandro Dano-og, SPO1 Mando Ri­vera, SPO1 Jose Agob at PO1 Jomar Torrapiel.

Sinabi ni Solarte na isinakay umano siya sa isang mobile car ng mga pulis habang naghihintay ng masasakyan sa may bahagi ng Philcoa, bago ini­lipat sa isa pang sasasakyan.

Dito binalutan umano si Solarte ng masking tape sa buong mukha at leeg, saka itinali ng alambre ang kamay, at pagbabarilin. Sumunod nito, sa pag-aakalang patay na si Solarte ay iniwan ito ng mga pulis su­balit nakagapang ito hanggang sa makita ng ilang istambay at dinala siya sa East Avenue Medical Center.

Sinabi naman ni QCPD director Chief Supt. Mario dela Vega na nakahanda silang imbestigahan ang alegasyon ng salvage at bagamat wala pang ipinapadala ang CHR na reklamo ni Solarte kung kaya ang inisyal na kanyang gagawing aksyon ay ipatawag ang lahat ng posibleng sangkot upang malaman kung ano ang tunay na isyu hinggil dito.

ALEJANDRO DANO

CHIEF SUPT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GLEN LARON

HUMAN RIGHTS

JOMAR TORRAPIEL

JOSE AGOB

MANDO RI

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SOLARTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with