Nagmasaker sa bank executive, 2 pa, timbog
MANILA, Philippines - Naaresto na ng Manila Police District (MPD) ang isang barangay tanod na suspect sa pagmasaker sa isang bank executive, sa ina nito at kanilang kasambahay sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila.
Kasong robbery with 3 counts of homicide ang isinampang kaso laban sa suspect na si Nestor Felizalde Jr., alias “Meme”, 34, ng Camarines St., Sta. Cruz, Manila dahil sa pagpatay kina Evelyn Tan, 40, dalaga, Executive Vice President ng Banco de Oro (BDO), Makati Branch, sa inang si Teresa, 65; at sa kanilang katulong na si Cristina Bartoloy, 22, pawang residente ng 2017 Yakal corner Hererra Sts., Sta. Cruz, Manila.
Sa report ni Det. Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, naaresto ang suspect kamakalawa ng gabi sa Batangas St., Tondo, Manila.
Iniharap naman kahapon ng umaga ang suspect kay Manila Mayor Alfredo Lim kung saan inamin nito na P19,000 cash, cellphone at digicam ang kanyang natangay.
Aminado rin ang suspect na gumamit siya ng kitchen knife sa pagpatay sa mga biktima nang magising ang mga ito.
Nabawi sa suspect ang 2 Nokia cellphone, pabango, Puma shades, portable charger, ice pick, wallet na kulay blue at pink, coin purse na kulay brown, P2,210 cash, head set at bag pack.
Matatandaan na natagpuang patay ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa pagitan ng alas-2:30 hanggang alas-3:00 ng madaling- araw matapos na humingi ng tulong sa barangay ang isang Francis Lalin, isang driver ng rent-a-car upang sunduin sana si Evelyn subalit hindi ito sumasagot sa text at sa tawag at wala ring tumutugon sa kanyang mga katok sa pintuan ng bahay.
Si Evelyn ay nakatakdang magtungo sana sa Beijing, China para sa isang business trip.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang suspect sa likurang bahagi ng bahay ng mga biktima sa pamamagitan ng pagsira sa kanilang pintuan.
Plano umano ng suspect ang magnakaw subalit nagising ang mga biktima dahilan upang tuluyan ang mga ito,
- Latest