^

Metro

Katawan lasug-lasog, ulo napugot Misis tumalon mula 27th floor

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tanggal ang ulo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang misis matapos tumalon mula sa ika-27 palapag na gusali sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawing biktima na si Josephine Maranan, 45, dating empleyada ng Groiler Scholastic/RBE Distributor at nakatira sa Negros St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO4 Geminer Tinge ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Eastern Police District (EPD), nabatid na ganap na alas-9:25 ng umaga nang umakyat sa roof deck ng Prestige Tower na makikita sa Garnet Road, Brgy. San Antonio, Ortigas, Pasig City ang biktima at saka biglang tumalon.

Narekober ng mga awtoridad sa biktima ang isang kulay brown na bag na may lamang P3,000 at visitor’s ID.

Ayon kay Melvin Villaruz, barangay official sa lugar at unang nagresponde sa kinaganapan ng insidente, tila wala umano sa sarili ang biktima at may malaking problema noong siya ay tumalon sa gusali.

Sinabi ni Villaruz, nakita ng isang gwardya na umakyat sa roof deck ang ginang at namaybay sa konkretong harang at biglang tumalon sa kabila ng pakiusap sa kanya na bumaba at huwag ituloy ang planong pagpapakamatay.

Pagbagsak sa sementadong kalsada ng biktima ay natanggal ang kanyang ulo at nagkalasug-lasog ang katawan at hindi na mamukhaan pa.

 

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EASTERN POLICE DISTRICT

GARNET ROAD

GEMINER TINGE

GROILER SCHOLASTIC

JOSEPHINE MARANAN

MELVIN VILLARUZ

NEGROS ST.

PASIG CITY

PRESTIGE TOWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with