Kelot nagbigti sa puno ng santol
MANILA, Philippines - Matapos paghinalaan na may kalaguyo ang kinakasama, isang lalaki ang nagbigti sa puno ng santol, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Patay na nang makitang nakabigti ang biktimang si Lorenzo Hinayon, 28, ng Brgy. Canumay West, ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang makitang nakabigti ng nylon cord sa puno ng santol sa bakanteng lote sa nasabing lugar ang biktima ng kanyang kapitbahay na si Editha Aranes.
Nabatid na bago ito ay nakatalo ng nasawi ang kanyang ka-live-in na si Nenita Pimentel matapos maghinala na may ibang lalaki ang huli. Posible umanong ito ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
- Latest