^

Metro

Sekyu utas sa holdap

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang guwar­diya matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga holdaper sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Joselito Lopez, 39,  OIC ng Night Owl Security Agency at residente ng Santiago St., Brgy. General T. de Leon ng  nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, dakong alas-4:15  ng umaga naganap ang insidente sa kahabaan ng Angeles Extension, Brgy. Gen. T. de Leon ng nabanggit na siyudad.

Nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ni Franklin Michael Lopez at pagsapit sa nabanggit na lugar  nang harangin  ito ng mga suspek lulan ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka.

Tinutukan ng baril ng mga suspek si Franklin na na­ging dahilan upang huminto hanggang sa hingin ng mga suspek ang mga cellphone ng biktima. Bumaba ng motorsiklo ang biktima at habang inaabot ang kanyang cellphone ay pinutukan ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na ospital, subalit hindi na nakarating  ng buhay. Iniimbestigahan pa ang nasabing insidente.

vuukle comment

ANGELES EXTENSION

BRGY

FRANKLIN MICHAEL LOPEZ

GENERAL T

JOSELITO LOPEZ

NIGHT OWL SECURITY AGENCY

SANTIAGO ST.

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with