Lola pinagnakawan,P.2-M natangay
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa halos P.3 milyon ang natangay ng mga kawatan mula sa bahay ng isang lola nang looban ito habang natutulog sa kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Kinilala ang biktimang si Teresa Lugue, 61, nakatira sa Arty Subdivision 4, Brgy. Karuhatan, ng nabanggit na siyudad habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa panloloob sa bahay nito.
Base sa ulat nina PO2s Edwin Mapula at Ronald Tayag, ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Nadiskubre lamang ang kalat-kalat na gamit at wasak na drawer ni Elvira Bagang kasama ng biktima, upang kumuha ng iinuming gamot.
Agad niyang ginising ang biktima at ang mga kapamilya nito. Dahil sa insidente ay mabilis na nagsumbong ang biktima sa mga alagad ng batas.
Sa pagsisiyasat naman ng SOCO NPD, lumilitaw na dumaan ang hindi pa kilalang magnanakaw sa terrace at sinira ang sliding door ng bahay.
Natangay sa biktima ang tatlong cell phones kabilang ang IPhone 4s, tatlong gintong relos, isang IPad at P45,000 cash na ang lahat ay umabot sa halagang P215,000.
- Latest