^

Metro

Navotas handa na sa Undas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas  para sa Undas. Oktubre pa lang ay sinimulan ang paghahanda at siniguro ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang maayos at mapayapang paggunita ng mga Navoteño sa Araw ng mga Kaluluwa ngayong taon.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Mayor Tiangco sa City Traffic and Parking Management Office, Task Force Disiplina at Philippine National Police-Navotas ang pagroronda o pagbabantay sa tatlong  sementeryo sa lungsod, ang City Cemetery, Catholic Ce­metery at Immaculate Garden,  na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Pascual St., Brgy. San Jose, Navotas.

Magiging mahigpit din ang seguridad at kaayusan sa  araw na ito sa tulong ng mga nasabing ahensiya at iba’t ibang volunteers para mapigilan ang pagpapasok ng mga bawal na bagay sa mga   sementeryo tulad ng pagda­dala ng matutulis na bagay, pagsusugal, pag-inom ng alak at paggawa ng malakas na ingay habang ginugunita ang nasabing okasyon.

“Nais nating maging simple at tahimik ang pag­gunita sa mga namayapa nating mahal sa buhay,” ani Mayor Tiangco. Sarado na sa trapiko  ang kahabaan mula Bacog St. hanggang R. Padilla St.

vuukle comment

BACOG ST.

CATHOLIC CE

CITY CEMETERY

CITY TRAFFIC AND PARKING MANAGEMENT OFFICE

IMMACULATE GARDEN

MAYOR TIANGCO

NAVOTAS

NAVOTAS MAYOR JOHN REY TIANGCO

PADILLA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with