Miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, pinatay sa bigti
MANILA, Philippines - Isang miyembro ng notorious na “Sigue-Sigue Sputnik” gang na pinaniniwalaang pinatay sa bigti ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon sa pulisya, nasa pagitan ng 25-30-anyos, may taas na 5’4’’, balingkinitan at nakasuot ng itim na t-shirt at kulay pulang short pants ang biktima. Maaari rin anyang pinatay sa bigti ang biktima dahil sa nakitang marka sa palibot ng kanyang leeg.
Sinasabing natagpuan ang katawan ng biktima ganap na alas-5:30 ng umaga sa bakanteng lote sa kahabaan ng Pall Mall St., sa Brgy. East Fairview.
Nagpapatrulya ang mga tropa ng barangay tanod sa lugar nang isang residente ang nagpabatid sa kanila hinggil sa nakitang bangkay sa lugar.
- Latest