^

Metro

5 holdaper todas sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang pinaniniwalaang holdaper ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa tropa ng Quezon City Police District ilang minuto matapos pasukin ng mga ito ang isang shop sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Inspector Elmer Monsalve, hepe ng homicide investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), walang nakuhang identification card sa mga suspect kung kaya nahi­rapan silang tukuyin ang mga pagkatao ng mga ito na kinabibilangan ng apat na lalaki at isang babae.

Isinalarawan ni Monsalve ang mga suspect sa pagitan ng edad na 25-30 anyos, kung saan isa sa mga ito ay may tattoo na “Sputnik” sa kanang kamay. Habang ang nasawing babae ay nasa pagitan ng edad na 20-25 anyos, kulot at nakasuot ng itim na t-shirt at striped na kulay brown short pants.

Ang mga suspect ay nasawi sa engkwentro ng pinagsanib na puwersa ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at ng District Intelligence Division (DID) matapos na holdapin ang D’ Best Option Wholesaler and Retailer na matatagpuan sa Fairlane St., Brgy. East Fairview ganap na alas-8:30 ng gabi.

Sabi ni Monsalve, nagsa­sagawa ng surveillance ope­rations sa lugar ang mga operatiba dahil sa kadalasang holdapang naga­ganap dito kung saan ang sina­sabing panghoholdap sa D’Best Option ay pangatlong beses ng nangyayari ngayong taon.

Narekober ng awtoridad sa mga suspect ang tatlong kalibre .38 revolvers at isang granada. Dalawang granada pa na inihagis ng mga suspect pero hindi pumutok ang natagpuan din ng mga operatiba.

Bukod pa rito ang narekober na P19,700 cash, dalawang NEC laptops, at isang Samsung mobile phone na tinangay ng mga suspect mula sa shop.

Ayon sa may-aring si Michael Minoza, bago ang insidente, pasarado na sila ng kanyang staff na si Dabreb­ Florano nang pumasok ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.

Ang babaeng suspect ang umano’y siyang kumuha sa kita ng shop, habang ang isang kasamahan naman nito ang kumuha sa backpack na naglalaman ng laptops at mobile phone.

Tiyempong nagsasagawa naman ng detective patrol sa lugar ang mga naka-plain clothes na opera­tiba at nang mapuna ang komosyon sa shop ay agad na rumesponde ang mga ito.

Nang mapuna ng mga suspect ang presensya ng mga operatiba ay biglang pinaputukan nila ang mga ito sanhi para bumuwelta ng putok ang mga huli at mauwi sa engkwentro. Sa kainitan ng engkwentro ay naghagis pa ng granada ang babaeng suspect pero hindi ito sumabog.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay nakita na lamang nakabulagta ang mga suspect kung saan tatlo ang idineklarang dead-on-the-spot habang ang babaeng suspect at isa pang kasama nito ay isi­nugod pa sa malapit na ospital pero hindi na rin umabot pa nang buhay.

AYON

BEST OPTION

BEST OPTION WHOLESALER AND RETAILER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

EAST FAIRVIEW

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with