Driver dedo sa holdaper
MANILA, Philippines - Napatay ang 44-anyos na driver ng pampasaherong jeepney makaraang barilin ng isa sa tatlong holdaper kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Idineklarang patay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib ang biktimang si Efren Balderama ng Ilang-Ilang St., Brgy. Panghulo sa nabanggit na lungsod.
Base sa police report, namamasada ang biktima nang magdeklara ng holdap ang tatlong di-kilalang lalaki pagsapit sa P. Aquino St. sa Brgy. Tonsuya. Nilimas ng tatlong holdaper ang mga gamit at pera ng mga pasahero at inutusan ang driver na ihinto ang jeepney para tumakas subalit pumalag at hindi sumunod ang biktima kaya siya binoga.
- Latest