^

Metro

Matapos mahuling natutulog: Buong night shift ng PCP sa Pasay, sinibak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Benito Estipona na sibakin sa puwesto ang apat na pulis na miyembro ng night shift ng isang Police Community Precinct sa Pasay City kasama ang kanilang hepe makaraang maaktuhan ng isang television news crew na natutulog sa istasyon habang naka-duty.

Nakilala ang mga tinanggal sa puwesto na sina PCP 10 commander P/Chief Insp. Reynaldo Paculan, SPO1 Leoncio Muñoz, PO3 El Heidi Bulaclac, PO2 Romy dela Cruz at PO2 Jooshua Pili.

Inilabas ni Estipona ang relief order base sa rekomendasyon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Leonardo Espina. Ito ay makaraang makarating kay Espina ang video footage na kuha ng isang TV news crew na natutulog ang mga tauhan ng naturang istasyon kamakalawa ng madaling-araw sa halip na nasa labas at nagpapatrulya sa Brgy. Merville, sa naturang lungsod.

Inilipat ang mga sinibak na pulis sa Pasay City Police Station Admin Holding Unit at nahaharap sa imbestigasyon sa kasong administratibong neglect of duty. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

BENITO ESTIPONA

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

EL HEIDI BULACLAC

JOOSHUA PILI

JOY CANTOS

LEONARDO ESPINA

LEONCIO MU

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with