Thai huli sa P33.5-M na shabu
MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang isang ginang na Thailand national matapos itong makumpiskahan ng mahigit anim na kilong shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P33.5 million sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.
Sa ulat kay Commissioner Ruffy Biazon ni Legal and Investigation Custom police Byron Carbonell, head ng Task Force React, BoC-NAIA, kinilala ang suspect na si Mrs. Napaporn Khamsa.
Base sa report, sakay ang dayuhang ginang ng Flight EK332, mula sa bansang Dubai at dakong alas-5:15 ng hapon sa exclusion room ng NAIA Terminal 1 habang nagsasagawa ng inspection ang grupo ni Carbonell ay napansin nila ang kahina-hinalang bagahe ng dayuhang suspect. Agad nilang pinabuksan ang nasabing bagahe at dito na tumambad sa kanila ang crystalline substance.
Nang ipasuri sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naturang crystalline substance ay nag-positibo itong shabu na humigit kumulang nasa 6.7 kilos na ang estimate value ay nasa P33.5 milyon.
Ang suspect ay nasa headquarters na ng PDEA para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. Sisiyasatin din ng PDEA ang ulat na ang dayuhan ay courier ng international drug syndicate na tinawag na West African Drug Syndicate.
- Latest